Dagupan City – Mga kabombo! Kilalanin natin si Dr. Jeffrey Lobos na kasalukuyang Assistant Professor IV sa isang unibersidad.
Si Dr. Lobos ay nagtapos sa kursong AB Mass communication major in Broadcasting. Ngunit bago pa nito, sa kasagsagan pa lang ng kaniyang pag-aaral, ay kasama na rin siya sa isang photojournalist at sa iba’t ibang mga media outlets.
Ayon kay Dr. Lobos, kung ilalarawan niya ang kaniyang propesyon – ito ay isang maituturing na makabuluhan.
Marahil aniya ay dahil na rin sa pamamagitan ng kaniyang paggabay at pagtulong sa kaniyang mga estudyante na ninanais ring tahakin ang propesyon ng pagiging isang social worker at maging isang epektong tagapag-bigay ng serbisyo sa publiko partikular na sa mga higit na nangangailangan.
Kaugnay nito, sa loob naman ng siyam na taon na pagtuturo, maituturing niya na isa sa mga masaya at nakakataba ng puso na parte ng kaniyang trabaho ay sa tuwing makikita niya na ang kaniyang mga minamahal na estudyante ay nagiging matagumpay halimbawa na lamang nito kapag nakakapasa sila sa mga Board exam.
Samanta, isa naman aniya sa malaking hamon sa kaniyang propesyon ay ang pagiging flexible sa kaniyang oras ng hindi naaapektuhan ang kalidad ng kaniyang pagtuturo, dagdag pa aniya, na ito pa nga ang mas lalong nakakapag-bigay sa kaniya ng motibasyon upang magpatuloy at araw-araw na pag igihan ang kaniyang trabaho.
Malaking bagay din ayon kay Dr. Jeffrey na nakatagal siya sa uri ng trabaho na mayroon siya, dahil ito ang naibibigay sa kaniya ng dadag na motibasyon lalo na kapag nakikita nito ang kaniyang mga estudyante na natututo at nagsisikap sa pag aaral.
Samantala, binigyang diin naman nito ang kahalagahan ng oras partikular na pagdating sa kaniyang trabaho at sa oras sa kaniyang pamilya.