Handang tumayo para maging testigo sa Sandiganbayan si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon kapag sinimulan na ang pagdinig sa kaso laban sa dating kongresista na si Elizaldy Co sa darating na Enero 20.
Ayon sa Kalihim na natural lamang dahil siya ang naghain ng reklamo sa maraming kaso ni dating AKO Bicol partylist member.
Giit nito na patuloy ang ginagawa nilang proseso at kanilang papanagutin ang dapat na managot.
--Ads--
Magugunitang nasangkot si Co sa mga umanoy substandard na mga road dike project na gumuho noong Hulyo na gawa ng kumpanya na iniuugnay sa kaniya na Sunwest Inc. sa Oriental Mindoro at ito ay nagkakahalaga ng P289 milyon.










