DAGUPAN CITY–Nanindigan si Atty. Clarence Rimando- Chief ng Legal Division ng Department of Public Works and Highways o DPWH Region I na nabibigyan ng paalala at sapat na oras ang mga naaapektuhan ng isinasagawa nilang road widening sa ibat ibang panig ng rehiyon.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Rimando sinabi nito na bago isagawa ang kanilang operasyon binibigyan muna nila ng notice ang may ari ng bahay o komersyo na maapektuhan nito.

Binibigyan sila ng sapat na palugit ng 7 araw o 30 days sa mga wala talagang malipatan. Sa ikalawang notice ay mabibigyan ulit sila ng 30 araw na palugit at panibagong 30 araw sa ikatlo at huling notice.

--Ads--

Nilinaw naman ni Rimando na ipinapaliwanag nila ng maayos ang isasagawang operasyon at dumadaan sa tamang proseso.

Atty. Clarence Rimando- Chief Legal Division DPWH Region I

Giit naman ng opisyal na maari namang umapela ang mga may ipapakitang titulo dahil karapatan nila ito.

Titignan ang mga ipapakita nilang dokumento upang makita kung karapat dapat silang mabigyan ng claim.