Tuluyan nang sinibak sa serbisyo ang tatlong opisyal ng DPWH Bulacan 1st District Engineering Office matapos mapatunayang guilty sa kasong disloyalty, grave misconduct, gross neglect of duty, at conduct prejudicial to the service.

Kinilala ang mga sinibak na sina dating Assistant District Engineer Brice Ericson D. Hernandez, Construction Section Chief Jaypee D. Mendoza, at Accountant Juanito C. Mendoza.

Bukod sa dismissal, pinatawan din ang tatlo ng perpetual disqualification sa anumang posisyon sa gobyerno at maaaring harapin pa ang hiwalay na kasong sibil o kriminal.

--Ads--

Samantala, pasado alas-10 ng umaga, ibinalik na sa senado si Hernandez matapos ang pagdinig ngayong araw sa Pasay Regional Trial Court Branch 112 kaugnay ng kanyang inihaing Writ of Amparo petition.

Sumailalim si Hernandez ng medical examinination matapos maibalik sa Senate detention facility.

Sa liham na inihain ng kanyang mga abogado kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III, hiniling ang muling pagtanggap kay Hernandez sa Senate Detention Facility.