Nagpaalala ang Department of Transportation (DOTr) sa lahat ng bus operator na sumunod sa direktiba na huwag munang magtaas ng pamasahe hangga’t walang opisyal na pahintulot mula kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ito ay kasunod ng ulat na may ilang bus company na patuloy na nangongolekta ng taas-pasahe kahit na ipinagpaliban ng Presidente ang fare hike.

Ayon sa DOTr, maaaring maisyuhan ng show cause order ang mga bus operator na magtataas ng pamasahe nang walang pahintulot, partikular sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

--Ads--

Hinimok din ng DOTr ang mga commuter na iulat agad ang mga bus na hindi sumusunod upang agad magawan ng aksiyon.

Ang mga bus operator na hindi susunod sa direktiba ay maaaring bawian ng prangkisa bilang bahagi ng pagpapatupad ng regulasyon.

Kasabay nito, binigyang-diin na kasama ng Pangulo ang DOTr sa pagbubukas ng CAVITEX C5 Link – Segment 3B, na inaasahang makakatulong magbawas ng traffic sa Sucat Road at C5 Extension. Via Bombo Jayson Felina