Patuloy na dinidinig ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga petisyon ng mga transport group na humihiling ng taas pamasahe.

Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Giovanni Lopez, na tinatapos na lamang nila ang mga pagdinig bilang bahagi ng proseso.

Mahalaga na hindi lamang panig ng transport group ang pakinggan at sa halip ay ang panig ng mga mananakay.

--Ads--

Umaasa ito na hanggang sa buwan ng Oktubre ay mayroon na silang resulta ng nasabing pulong kung aaprubahan ba ang hirit na taas pasahe.

Tiniyak din ng Kalihim na gumagawa ng hakbang ang gobyerno para magbigay ng suporta sa mga transport operators at commuters dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis sa bansa.