Dagupan City – Naghahanda na ang Department of Tourism region 1 para sa muling pagdagsa ng mga turista na bibisita sa iba’t ibang pilgrims’ sites at mga pook pasyalan ngayong darating na holy week.
Base sa isinagawang kapihan sa Ilocos, ibinahagi ni Evangeline Dapat ang siyang officer in charge regional director ng Department of Tourism Region 1 sa nakalipas na taon ay mayroong inilunsad na faith pilgrimage tours kung saan kasama rito ang mga iba’t ibang faith tourist, parishoners, tour operators at LGUs.
Aniya na tuwing sumasapit ang holy week ay talagang dumadagsa ang mga bisita mula sa malalayong lugar dahil sa dami ng mga simbahan na kabilang sa kanilang pinupuntahan at anya na maigting naman ang kanilang koordinasyon sa mga our operator at local government unit’s para sa pagrevive ng mga door packages sa faith pilgrimage tourism. Gayundin ang pagbibigay ng mga fliers at pagbabahagi ng adbokasiya.
Kaugnay nito, ayon kay Loryna Fonacier ang siyang supervising tourism operations officer ng DOT region 1 na nanawagan ito sa mga bibisita na magpalista sa mga pupuntahan nilang destinations para maisama sa bilang ng mga pinapakita na tourist arrivals hindi lamang sa rehiyon ngunit maging sa buong bansa.