DAGUPAN CITY – Patuloy na pinaghahanap ng mga rescuers ang dose-dosenang katao na pinangangambahang natrap matapos ang malawakang pagbuhos ng ulan na nagdulot ng matitinding pagbaha sa hilagang estado ng India na Uttarakhand.
Nakakarating na ang mga grupo, kabilang ang hukbong sandatahan at paramilitary, sa nayon ng Dharali sa distrito ng Uttarkashi, na pinaniniwalaang pinakamatinding naapektuhan ng pagbaha.
Makikita sa mga video ang dambuhalang alon ng tubig na rumaragasa sa lugar, winasak ang mga gusaling nasa daraanan nito.
Matatagpuan dito ang pook-pasyalan ang Dharali at maraming hotel, resort at kainan.
Ayon sa mga nakasaksi mula sa kalapit na nayon, maririnig ang mga sigaw, at sipol, ngunit sinabi nilang hindi nabigyan ng pagkakataon ang mga tao na makatakas dahil sa biglaang pag-agos.
Naniniwala sila na maraming tao ang posibleng naipit sa ilalim ng mga gumuhong debris.
Ang sinaunang templo ng Kalpkedar ay nasapawan din ng putik at pinaniniwalaang nasira.
Lalong lumalaki ang pag-aalala na kung hindi agad matanggal ang tubig, maaari itong magdulot ng matinding panganib sa mga bayan at nayon sa ibabang bahagi ng ilog.
Nagpahayag si Prime minister Narendra Modi ng kanyang pakikiramay sa mga taong apektado ng trahedya.