Mga kabombo! Isa ka ba sa mga taong hindi natutuwa sa mga prank na nakakaperwisyo na?

Nako! Baka ito na ang susi para mapikon ka o baka matawa ka?

Tila nahati kasi ang emosyon ng may-ari ng tahanan sa Germany!

--Ads--

Paano ba naman kasi, isang pambihirang insidente ang bumigla sa mga residente ng isang apartment building sa nasabing lugar matapos nilang tawagan ang pulisya para imbestigahan ang walang tigil na pagpindot ng kanilang mga doorbell sa gabi.

Ang pinaghihinalaang “prankster” na gumagawa ng ding-dong prank ay natuklasang isa palang suso?

Ayon sa ulat, tila napikon na ang mga residente dahil sa paulit-ulit na pagpindot ng mga doorbell na umis­torbo sa kanilang pagtulog.

Sa katunayan anila, inakala ng mga ito na ito ay ga­­wa ng mga teenager na naglalaro ng klingelstreich (doorbell prank).

Ngunit nang magpatuloy ang pagtunog ng doorbell kahit dumating na ang dalawang pulis at walang makitang tao sa pinto, nagpasya silang magsagawa ng masusing imbestigasyon.

Sa mas malapit na pagsusuri sa metal bell plate sa entrance ng apartment building, natuklasan ang isang suso (o nacktschnecke sa German) na gumagapang.

Ang paggalaw ng suso sa ibabaw ng sensor at panel ng doorbell ang nagiging sanhi ng walang tigil na pagtunog.