DAGUPAN CITY- Kasabay sa paggunita ng ika-127th na paggunita sa araw ng Kalayaan ngayong araw ng June 12,2025 ay nagsagawa ang Department of labor and Employment (DOLE) Region 1 ng Job fair sa anim na lugar dito sa probinsya kabilang na dito sa Central Pangasinan Nepo Mall dagupan City.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng DOLE Region 1 katuwang ang pamunuan ng mall, Commission on Higher Education (CHED) Region 1, local na pamahalaan ng syudad sa pamamagitan ng Public employment and service office o PESO Dagupan at mga iba’t ibang ahensya gaya na lamang ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

Ayon kay DOLE Region 1 Regional Director Exequiel Ronie A. Guzman na nasa 23 local employers at 1 overseas kung saan mayroong apatnalibo (4000) na mga trabaho ang alok para sa mga job seekers.

--Ads--

Habang sa buong rehiyon uno ay mayroong (20,000) na job offers mula naman sa apat na probinsya ng rehiyon.

Kabilang naman sa mg in demand na trabaho ay factory workers, nurses, sales at iba pa.

Umaasa naman sila na Malaki ang magiging turned out ng job fair Lalo na at nakipag-ugnayan din sila sa CHED Region 1 para sa information dissemination nito lalong Lalo na sa mga graduates.

Anya na nilalayon ng mga job fair na ito ang makatulong sa bawat mamamayan na magkaroon ng trabaho at matugunan ang kanilang mga pangangailangan.

Bukod dito ngayong buwan din kanilang pinaiigting ang kampnya laban sa child labor

Samantala, bukod dito nagkaroon din ang Lokal na Pamahalaan ng syudad ng programa kaugnay sa paggunita ng Independence day na may temang “Kalayaan. Kinabukasan. Kasaysayan”.

Ayon kina SK knight Marcelo L. Vistro, former district master at SK Melquiades Ordonez, faithful navigator ng Knight of Columbus na ang araw na ito ay bilang pag-aalala at pagbibigay pugay sa mga bayani na silang nagsakripisyo sa ating bayan.

Anila na panawagan nito sa bagong heenrasyon na ana ay huwag kakalimutan at ipagsawalang bahala ang ating kasaysayan dahil Malaki ang nagging ambag nito sa kung ano ang mayroon sa ating kasalukuyan.