Dagupan City – Ipinagkaloob ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang P930,000 halaga ng livelihood kits sa 31 benepisyaryo mula sa Sta. Barbara.

Kabilang sa mga ipinamahagi ay Bread and Pastry kits para sa 17 benepisyaryo na may NCII, at Shielded Metal ARC Welding (SMAW) kits para sa 14 katao. Ang mga ito ay bahagi ng pagsasanay na isinagawa ng Quiambao Skills Training and Assessment Center Inc.

Layunin ng programa na bigyang-opportunidad ang mga residente na magkaroon ng sariling hanapbuhay. Ang inisyatibong ito ay suportado ng Sta. Barbara PESO at ng lokal na pamahalaan upang mapalakas ang kabuhayan sa bayan.

--Ads--