Dagupan City – Patuloy na ipinatutupad ng Department of Labor and Employment (DOLE) Central Pangasinan ang mga programang TUPAD at livelihood sa 3rd at 4th District ng lalawigan.

Ayon kay Rhodora Dingle, Officer in Charge ng DOLE Central Pangasinan, pareho pa rin ang mga requirements para sa TUPAD, at nakikipagtulungan sila sa mga Public Employment Services Office (PESO) sa bawat bayan para sa validation ng mga benepisyaryo.

Nag-aalok din ang DOLE ng iba’t ibang livelihood programs para sa mga indibidwal at grupo, lalo na sa mga naapektuhan ng kalamidad.

--Ads--

Layunin nitong magbigay ng pinansiyal na tulong para makapagsimula ng kabuhayan.

Samantala, Bukas naman ang kanilang opisina sa mga gustong magpatulong sa mga programa at usapin sa trabaho para sa mga indibidwal na bibisita sa kanilang lugar nang sa gayon ay mabigyan ng advise at tugon para dito. (Oliver Dacumos)