DAGUPAN CITY– Nagsanib puwersa ang Department of Labor and Employment at Overseas Workers Welfare Administration o OWWA para magbigay ng P10,000 ayuda para sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) na nakauwi sa Pilipinas.

Ayon kay OWWA Region1 OIC Regional Director ng Gerardo Rimorin , mahigit kumulang 13,000 OFWs na ang nag-apply at ang naproseso na ay nasa 6,000 habang ang pending naman ay nasa mahigit kumulang 7,000 OFWs na karamihan ay taga-Pangasinan.

Para ma-avail aniya ito, dapat na ang isang OFW ay dumating sa Pilipinas na mayroong visa pabalik at mayroong lost of employment.

--Ads--

Hinikayat rin ni Rimorin ang mga OFWs na nasa abroad na nakakaranas ng gutom o hindi na kayang mabuhay na makipagugnayan sa pinakamalapit na Philippine Overseas Labor Office (POLO) at sa kanilang opisina kasama na ang embahada ng Dept of Foreign Affairs, Phil Embassy at Phil Consulate Offices.

Sa pagtataya ni Rimorin, may pondo para sa covid 19 katuwang ang gobyerno sa pagbibigay ng tulong sa mga OFWs.

Kung kinakailangan na galawin umano ang pondo ng OWWA para tugunan at tulungan ang mga OFW ay kanilang gagawin.

Samantala, nananawagan si Rimorin na huwag sisihin ang OWWA na nagdadala o nag-uuwi ng virus sa region 1 dahil mula Marso may advisory aniya ang Pangulo na para mabawasan ang mga OFWs sa capital ng bansa, kailangan mapauwi ang mga OFW mula Manila papunta sa kani-kaniyang rehiyon.