Dagupan City – Isang makasaysayang seremonya ng paggawad ang isinagawa para sa isa sa mga napiling benepisyaryo ng Taho Production Livelihood Program, isang proyektong pinangungunahan ng Department of Labor and Employment (DOLE) at ng Pamahalaang Lungsod ng San Carlos sa pamamagitan ng City Cooperative Entrepreneurship and Livelihood Development Office (CCEDO) at Public Employment Service Office (PESO).

Layunin ng programang ito na magbigay ng oportunidad sa mga lokal na entrepreneur upang magkaroon ng sariling kabuhayan sa paggawa at pagbebenta ng taho, isang tanyag na meryenda sa bansa.

Sa pakikipagtulungan ng DOLE, lokal na pamahalaan, at iba pang kaugnay na ahensya, inaasahang mapapalakas nito ang lokal na ekonomiya, lilikha ng trabaho, at makakatulong sa pagpapabuti ng kalagayang pinansyal ng mga benepisyaryo.

--Ads--

Higit pa sa pagbibigay ng kabuhayan, ang programang ito ay nagsisilbing tulay para sa pag-unlad ng komunidad at pagpapahusay ng kasanayan ng mga negosyante. Patuloy namang isinusulong ng lungsod ang mga programang pangkabuhayan na nagpapalakas ng diwa ng pagtutulungan at kaunlaran sa komunidad.