Nagsanib pwersa ang Department of Labor and Employment Regional Office 1 (DOLE RO1)sa pamamagitan sa pagpirma ng Memorandum of Agreement (MOA) kasama ang Department of Agrarian Reform Regional Office 1 (DAR RO1) na ginanap sa DOLE RO1 Conference Room, San Fernando City, La Union upang ipatupad ang Government Internship Program (GIP).
Ang MOA ay nilagdaan nina DOLE RO1 Regional Director Exequiel Ronie A. Guzman at DAR RO1 Regional Director Maria Ana B. Francisco, kasama ang iba ang mga kawani. Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan na ito, 100 intern ang kukunin upang magbigay ng teknikal na suporta at tumulong sa DAR RO1 sa paghahatid ng mga serbisyong pampubliko.
Binibigyang-diin ni Regional Director Guzman ang pangako ng ahensya, na nagsasabing, “Ang DOLE ay nakatuon sa pagsusulong ng mga kapaki-pakinabang na oportunidad sa trabaho at pagbuo ng isang may kasanayang lakas-paggawa, na siyang pinakamahalagang yaman ng ating bansa.”
Ang Government Internship Program GIP ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga kabataang manggagawa na ipakita ang kanilang mga talento at kasanayan sa larangan ng pampublikong serbisyo na may layuning matulungan ang bawat isa.