Nakadepende sa kasulatang pinirmahan ang pagsasampa ng kaso patungkol sa pagsasanla ng lupa ng isang tao gayong wala pa ito sa kanyang pangalan.
Ayon kay Atty. Eugenio Surot III – Lawyer nakadepende din ito sa special power of attorney dahil maaring may nakasaad na pwede pala itong isanla o di naman kaya ay hindi maaari.
Kung sakaling wala naman palang nakalagay ay nag-overstep ito sa pamamagitan ng ginawang pagsasanla.
Ang pinirmahang kasulatan ay maaari ding matawag na null and void kung walang consent ang principal. Kung nag-occupy na ang taong pinagsanlaan ng lupa ay mahihirapan na ang totoong may-ari kaya’t dapat itong magfile ng petition upang masawalang bisa ang kasulatan.
Sakali mang may nangyari din falsification of public documents ay maaari ding magfile ng criminal case at pwedeng panagutin ang abogadong pumirma nito kung alam naman pala na hindi ito pagmamay-ari ng nagsanla.
Payo naman nito sa usaping lupa na basahing mabuti ang mga pinipirmahan at ireview itong maigi. Kung hindi naman maintindihan ay magpakonsulta sa abogado.
Samantala, patungkol naman sa usaping pagpost sa social media ng taong nagkautang ani Atty. Surot na hindi itong tamang gawin dahil ito ay paglabag sa batas gaya na lamang ng violation of data privacy act o di naman kaya ay makasuhan ng cyberlibel.