DAGUPAN CITY –Nanawagan ang isang kilalang doktor sa lalawigan ng Pangasinan na huwag lahatin ang lahat ng doktor sa ginawa ng kanilang kabaro na nag viral ang video habang minumura ang driver ng isang L300 van.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Dr. Carlo Marco Orduña kilalang anesthesiologist dito sa lalawigan ng Pangasinan nakakalungkot isipin na ang isang tulad nilang doktor ay nagpakita ng ganitong asal.

Hindi aniya lisensiya ang pagiging isang doktor para manigaw, magmura o maliitin ang isang tao.

--Ads--

Sa katunayan aniya ay dapat magpakita ng magandang asal at pag uugali ang isang doktor hindi lamang sa kaniyang pasyente kundi maging sa labas ng ospital.

Dr. Carlo Marco Orduña , anesthesiologist

Pero giit ni Orduña na hindi dapat idamay ang lahat ng doktor dahil lamang sa ginawa ng kanilang kabaro . Dagdag pa nito na ang naturang insedente ay maari ring mangyari sa iba pang propesyon kapag pinairal ang init ng ulo.

Dr. Carlo Marco Orduña , anesthesiologist

Naging viral sa social media ang lumabas ang video na minumura at inaalipusta ni Dr.Tomas Mendez ang driver ng L300 van dahil sa away sa kalsada.

Isa pang video ang lumabas na bagamat walang sound ay malinaw na sinisigawan ni Mendez ang isa pang driver.