Pormal nang kinasuhan ng Department of Justice si Vice President Sara Duterte ngayong araw, ika-11 ng Agosto 2026.
Sa mensaheng ipinadala ni Justice Spokesperson Atty. Polo Martinez, kanyang kinumpirma ang paghahain ng kagawaran ng kasong ‘grave threats’ laban sa bise presidente.
Ayon sa tagapagsalita, isinampa ang naturang kaso kaninang bandang ala-una y’ medya ng hapon sa Office of the Clerk of Court ng Quezon City Regional Trial Court.
Magugunitang inabot ng higit isang taon bago tuluyang niresolba at naisampa ng kagawaran ang naturang kaso buhat nang ihain ng National Bureau of Investigation noon pang 2025.
Nag-ugat ang kasong ‘grave threats’ nang bantaan mismo ng ikalawang pangulo ang buhay nina Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr, First Lady Liza Arenata-Marcos, at Former House of Representatives Speaker Martin Romualdez.
Meron umano kinuhang ‘hitman’ ang bise presidente na inatasan para patayin ang mga nabanggit sakaling siya’y mapatay din.










