DAGUPAN CITY- Nagpaalala ang Department of Health (DOH) Region I na sa tanging may rehistro lamang magpatuli para sa ligtas na operasyon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Dr. Rheuel Bobis, Medical Officer IV ng Center for Health Development-Department of Health (DOH) Region I, ito ay pagtitiyak na malinis ang mga kagamitan at hindi makapahamak sa pasyente.
Bukod pa riyan, makapagbibigay pa ng maayos at malinaw na pagtuturo ang doktor kung paano linis ang ari na sumailalim ng pagtutuli.
Gayundin sa tamang pagrereseta ng gamot na kinakailangan inumin ng pasyente.
Binigyan halaga ni Dr. Bobis na panatalihin ang bahagi ng sugat para naman maiwasan ang impeksyon dulot ng secondary bacteria.
Kaugnay riyan, inirerekomenda nila na isang beses o higit pa ang paglilinis na isinasagawa sa sugat at pagpapalit ng gauza o takip nito.
Habang maligamgam na tubig lamang ang inrerekomendang temperatura para sa paglilinis ng sugat upang hindi makaapekto sa sinulid.
Bukod pa riyan, mas maiging hindi na gumamit ng herbal medicine, bagkus, ay mas maiging gamitan na lamang ng antiseptic medicines.










