DAGUPAN, CITY— Pinagtutunanan din ng pansin ng DOH-Region 1 ang pagsasanay sa mga tatayong vaccinator sa rehiyon 1.
Ayon kay Dr. Rhuel Bobis, Medical officer IV ng DOH Region 1, binababa na nila ang bawat impormasyon sa mga provincial department of health office ukol sa tamang pag babakuna at sa tamang daloy ng vaccination.
Paliwanag ni Bobis, sa una ay hindi lahat mababakunahan kung kayat nagkaroon sila ng talaan para sa mga magiging prayoridad dahil ang supply ng bakuna ay hindi sasapat para sa lahat.
Mauunang mabakunahan ang mga health care workers, mga indigent senior citizen, sunod ang lahat ng senior citizen, mga indigent, maging ang mga uniformed personnel at frontliners.
Pagdating aniya ng bakuna, ang mga nabanggit na indibidwal ang mauunang matuturukan lalo na sa mga health care workers dahil sila ang kinakikitaan ng mataas na tsansang mahawa ng naturang virus. (with reports from: Bombo Lyme Perez)