DAGUPAN CITY- Isa sa mga nagiging dahilan kung bakit nagkakaroon ng aksidente sa kalsada o vehicular accidents ay dahil sa pagiging pasaway ng mga motorista at PUV sa kalsada.

Hindi rin sinusunod at ginagawa ang mga ligtas na pamantayan sa pagmamaneho.

Ayon kay Dr. Paula Paz Sydiongco, Regional Director, Department of Health Region 1, kabilang sa mga dahilan sa tuwing may naitatalang ganitong klase ng pangyayari ay hindi nakafocus and driver sa kaniyang pagmamaneho.

--Ads--

Isa rin sa mga dahilan ay ang pagkakaroon ng ibang gingawa at hindi nakatutok sa kalsada.

Isa rin sa mga dahilan ay ang pagkuha ng cellphone, pagkuha ng gamit at pakikipag away sa mga iba.

Bukod dito, isa rin sa mga nakikitang dahilan ay ang hindi pagkokondisyon at pagcheck sa sasakyan bago bumyahe.

Aniya, dapat laging alerto sa kalsada.