DAGUPAN, CITY— Nagbigay paalala ang tanggapan ng Department of Health o DOH Region sa publiko hinggil sa mga sakit na maaaring lumaganap at maranasan ngayong malamig ang panahon.

Ayon kay DOH Region 1 Medical Officer 4 Dr. Rhuel Bobis, uso o napapanahon ang mga tinatawag na respiratory diseases tulad na lamang ng ubo, sipon, lagnat at influenza like illness.

Giit ng opisyal na ang mga sakit na ito ay hindi naman gaanong nangangailangan ng karagdagang antibiotic dulot ng pagiging viral illnesses at nawawala din naman kaagad.

--Ads--

Sa mga ganitong pagkakataon, kinakailangan lamang ng taombayan na palakasin ang kanilang resistensya sa pamamagitan ng pag inom ng vitamins, pagkakaroon ng proper diet, gayundin ang tamang oras para sa ehersisyo.

Tinig ni DOH Region 1 Medical Officer 4 Dr. Rhuel Bobis

Paalala pa ni Bobis, kapag nakakaramdam na ng kahit na anumang signs and symptoms sa katawan, ugaliing magpa konsulta kaagad sa doktor. Mahigpit na paalala ng kanilang tanggapan na hindi rekomendado ang self diagnosis at self medication.

Sa ngayon, hindi na lamang aniya BIDA ang sinusunod kundi parte na din ng kanilang tagline ang binansagang BIDA-PLUS. B-ibig sabihin, bawal ang walang mask at face shield, I-isanitize ang mga kamay at iwasang ihawak sa mga bagay-bagay, D-dumistansya ng isang metro sa ating mga makakasalamuha, A-alamin ang mga tamang balita ukol sa COVID-19 at bilang karagdagan ang PLUS na siyang nangangahulugan na dapat magpabakuna ng FDA approved na bakuna. (with reports from: Bombo Lyme Perez)