Kinumpirma ng DOH Region 1 na mayroon nang naitalang delta variant case sa rehiyon uno.
Ito ay base na rin sa inilabas na datos mula sa DOH central office.
Ayon kay Dr. Rhuel Bobis, medical officer IV ng DOH Region 1, ang naturang pasyente ay napag-alamang tubong Ilocos Norte.
--Ads--
Isinasagawa na ang masidhing contact tracing sa lahat ng nakasalamuha ng pasyente.
Nakatutok naman ang kanilang tanggapan upang mamonitor ang naturang lugar upang maiwasan na maihawa ang naturang variant sa maraming katao.
Sa ngayon ay mas pinapaigting din nila ang pagpapabakuna upang masiguro ang kaligtasan ng mga mamamayan sa rehiyon.