Iginiit ng tanggapan ng Department of Health o DOH Region 1 na wala silang inirerekomendang brand pagdating sa bakuna kontra Covid-19.

Ayon kay DOH Medical Officer IV Dr. Rhuel Bobis, lahat ng bakuna na gagamitin ay kinakailangang aprubado ng Food and Drugs Administration o FDA bago gamitin.

Nilinaw din nito na ang mga manufacturers ng Covid-19 vaccine ay nag-aapply para sa authorization sa FDA at kapag nabigyan na sila ng pahintulot, maaari nang gamitin ang aprubadong bakuna para sa vaccination program.

--Ads--

Muling paalala ni Bobis na walang kinikilingan ang kanilang ahensya bagkus ay sinisiguro lamang nila na ang mga bakunang gagamitin ay ligtas.

Voice of Dr. Rhuel Bobis, DOH Medical Officer IV

Pagdating naman aniya sa mga private sector, kailangan din muna nilang makipag ugnayan sa National Government, DOH at maging sa manufacturer ng bakuna bago sila makapag procure.

Aminado din ang naturang opisyal na talagang sa nakalipas na holiday season ay nakita ang pagtaas ng kaso ng Covid-19 gayunpaman, patuloy pa ring nagiging optimistic ang kanilang tanggapan dahil nakita naman sa mga nakalipas na araw ang bahagyang pag baba ng naturang kaso.

Ngayong wala pa aniyang bakuna, tanging pag papa igting na lamang ng information dissemination ang ginagawa ng kanilang tanggapan.

Binigyang diin din ni Bobis na nasa kamay at responsibilidad ng bawat LGU’s ang pagbibigay ng ayuda sa mga lugar na nakasailalim sa lockdown lalo na sa mga panahong hindi makalabas ng bahay ang mga residente. Gayunpaman, ang ahensya naman ng DSWD ay nakahandang mag abot ng tulong upang makapag bigay ng amelioration plan o mga family food packs sa oras na mayroong mga lugar na naka lock down dulot ng Covid-19. // With reports of Bombo Lyme Perez