Hinikayat ng Department of Health Region 1 ang publiko na tangkilikin ang mga pamamaraan para sa family Planning na nagbibigay ng maraming benepisyo sa ina, anak, ama, at sa buong pamilya.
Ayon kay Cyrus Jed Ramos ang siyang Senior Health Program Officer-Family Planning Program Coordinator ng DOH-CHD Ilocos na maraming mga benepisyo ito tulad na lamang ng sa parte ng ina na mabilis na mababawi ang lakas pagkatapos ng pagbubuntis at panganganak, magiging handa sa bawat pagbubuntis at magkakaroon aniya ang parehong mga magulang ng panahon para sa pamilya.
Sa kabilang banda, ang anak ay matitiyak na magkakaroon ng wastong nutrisyon at makakatanggap ng tamang atensyon.
Aniya na sa pamamagitan ng mga moderno, mabisa at epektibong mga pamamaraan ay maisakatuparan ang hangarin ng mga mag-asawa na magkaroon ng minimithing dami ng mga anak at ang wastong pag-aagwat sa mga ito.
Ang wastong pag-aagwat ay ang pagbubuntis na may pagitan ng tatlo hanggang limang taon.
Tiniyak din nito na lahat ng mga pamamaraan sa pagkakaroon ng agwat sa panganganak halimbawa na lamang ng Intrauterine Device (IUD), paggamit ng mga injectables, pills at iba pa.
Dagdag pa nito na hindi dapat magpapaniwala sa mga sabi-sabi patungkol sa mga negatibong epekto ng mga ito.
Nagkaroon umano ng sapat na trainings ang lahat ng mga healthworkers na nagsasagawa ng mga nabanggit na hakbang.
Wala rin aniyang narereport na nasasawi sa Rehiyon Uno na na gumamit ng family planning commodities.
Sa kasalukuyan pahirapan umano sa kanilang hanay ang understaffing sa mga natrain na nilang indibidwal at gayundin sa kakulangan sa mga FP commodities.
Sa huli, hinihiling nito sa bawat residente na magkaroon ng sapat na plano sa pagbuo ng pamilya lalong lalo na at maraming mga problemang kinakaharap ang bansa partikular na ang hindi pa rin natatapos na pandemya.