Binigyang linaw ng tanggapan ng Department of Heath o DOH Region 1 ang ilan sa mga criteria o pamantayan upang maitaas ang quarantine classification ng isang lugar.

Sa bahagi ng pagpapaliwanag ni DOH Medical Officer 4 Dr. Rheuel Bobis, ang unang tinitignan ng kanilang ahensya partikular na ng kanilang mga epidemiologist ay ang tinatawag na ‘Daily Attack Rate’ at ‘ 2-week Growth Rate’.

Ang mga terminolohiyang ito ang nagiging batayan kung gaano kataas at kabilis ang pagdami ng Covid-19 cases sa isang lugar.

--Ads--

Dagdag pa ni Bobis, kanila ring tinitignan ang ‘Health Care Utilization’ ng bawat LGUs dahil hindi naman aniya maikakaila na kapag sa mga panahong tumataas ang kaso ng naturang virus, inaasahan din na tataas ang tyansa ng Health Care Utilization.

Sa mga pagkakataong nagsabay na tumaas ang number of cases gayundin ang percentage ng healthcare utilizations at pumapalo na sa warning level, ito na ang nagiging factor kung bakit nagkakaroon ng recommendation para i-revert sa mas mataas na community quarantine ang isang lugar.
VC BOBIS ATTACK RATE

Voice of Dr. Rheuel Bobis

Laking tuwa ng kanilang ahensya dahil kung pag-uusapam ang kalagayan dito sa Region 1, bagamat may pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa mga probinsya, ang health care utilization naman ay nananatiling mababa kung saan nasa 30-40% na siyang nangangahulugan na ang mga ospital at mga temporary treatment and monitoring facility ay hindi pa na ooverwhelmed.

Sa kalakhang Rehiyon Uno, batay sa kanilang monitoring and assessment, wala pa naman aniyang bayan o probinsya na nag-aapply o nag rerequest ng mas mataas na higher quarantine classification.