Dagupan City – Sa pagbabalik ng bakuna eskwela ngayong taon ng Department of Health at sa pakikipag-ugnayan nito sa department of Education ay nagsimula nang umarangkada ang kampnya sa iba’t ibang mga pampublikong paaralan sa probinsya ng Pangasinan.
Ayon kay Dr. Rhuel Bobis, Medical Officer IV ng Department of Health Region I, target ng ahensya na mapaigting immunization program sa bawa’t probinsya sa buong rehiyon.
Tulad na lamang sa mga buntis na nagbibigay ng bakunang Tetanus-Diphtheria.
Habang ang mga bata naman na nasa neonatal age na ay nakatatanggap ng bacillie Calmette Guerin (BGC) Hepatatis B at kapag dumating na si Infancy stage ay binabakunahan naman na ito para sa oral polio vaccine hanggang sa umabot na ito sa adolescent stage.
Samantala, ang mga nasa Grades 1 hanggang 7 naman ang target na mabakunahan laban sa Measles-Rubella, Tetanus-Diphtheria habang ang mga mag-aaral na mga babae sa Grade 4 ay nabakunahan ng laban sa HPV.
Traget naman ngayon ng Department of Health ang 95% na bakuna sa buong bansa. (Aira Chicano)