BOMBO DAGUPAN – Nagpaalala ang Department of Health o DOH sa mga atleta na magkaroon ng pisikal na lakas at malusog na pangangatawan sa kanilang ginanap na Media Conference sa Baguio City.

Ito kaugnay sa pagkapanalo ng ating mga atleta sa ginanap na Paris Olympics 2024.

Ayon kay Ms. Bella M. Basalong, National Program Coordinator, National Nutrition Council – CAR, malaki umano ang ginagampanan ng masusustansyang pagkain sa pagpapalakas ng katawan ng mga manlalaro.

--Ads--

Sa naging panayam sa kanya, mayroong mga dieticians ang mga manlalaro upang ibigay ang mga nararapat na nutrisyon na nababagay sa kanilang katawan at lakas.

At kung wala mang dieticians, dapat na pag-aralan ang healthy diet na nababagay sa katawan dahil importante rin na mag-invest para sa ikabubuti ng kalusugan.

Dapat ding alaming mabuti ang pagkakaiba ng kailangan ng katawan ng mga young at adult athletes dahil kumpara sa mga mas batang manlalaro, malaking tsansa umano na ang katawan ng mga adult atheletes ay mas humihina.

Samantala, para sa mga batang manlalaro, habang maaga pa ay ugaliin na pag-aralan at bantayan ang pagkain at kalusugan dahil mas malaki naman ang tsansa para sakanila ang pagkakaroon ng sakit na maaaring makaapekto sa kanilang laro.

Anila, hindi man ito kasali sa Philippine Plan of Action on Nutrition o PPAN ng 2023-2028, handa naman silang magsagawa ng mga aktibidad katuwang ang mga dieticians.