Nagpaalala sa publiko ang Department of Health ukol sa mga sakit ngayong mainit na panahon.
Sa eskusibong interview ng Bombo Radyo Dagupa, sinabi ni Dr. Edwin Sanchez, Asst. regional director ng Department of Health o DOH Region 1, pag ganitong mainit na panahon ay lumalabas ang ibat ibang sakit gaya ng pagkakaroon ng sunburn, bungang araw, dengue, rabies at heatstroke.
Dahil sa mainit na panahon maaring makaranas ng heat cramps na parang pinupulikat na kapag hindi naagapan ay mauuwi sa heat exhaustion .
Kailangan umanong maibaba ang temperatura ng katawan dahil maaring mauwi ito sa heatstroke.
Kapag nakaranas ng heatstroke, hindi na pagpapawisan ang isang tao dahil ubos na ang tubig sa katawan, nakakaramdan ng pagkauhaw, pagsusuka at pakahilo.
Para maagapan, kumuha ng yelo, ilagay sa noo, sa kili kili at paypayan ang pasyente upang bumababa ang temperatura at maginhawaan.
Dalhin din sa pagamutan ang pasyente upang malapatan ng kaukulang lunas.