DOH nagpaalala sa mga dapat tandaan ngayong panahon ng tag-init

720

Pinag-iingat ng Department of Health (DOH) ang publiko na umiwas sa mga pagkain na madaling masira o mapanis ngayong panahon ng tag-init.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay DOH Secretary Francisco Duque III, sinabi nito na dapat siguruhin na malinis ang pagkain o inumin na binibili lalo na sa mga ibinibenta sa mga bangketa upang makaiwas sa food poisoning.

Tuwing mainit kasi ang panahon, isa aniya sa mga karaniwang sakit ang pagsusuka at pagdudumi. Ito ay dahil sa mas mabilis na pagkasira ng mga pagkain dahil sa mainit na temperatura.

--Ads--

Samantala, ipinaalala din ni Duque na bawal pa rin ang paliligo sa Manila Bay sapagkat maaring makakuha ng ibat-ibang uri ng sakit lalo na kapag nakainum ng tubig-dagat dahil mataas pa rin ang coliform bacteria level dito.

DOH Secretary Francisco Duque III

Sa kabilang banda, nagbabala rin ang ahensya sa paglaganap ng mga sakit tuwing ganitong panahon ngayong nararanasan na sa bansa ang matinding init.

Sinabi ni Duque na kung maaari ay huwag magbabad sa init ng araw lalo na sa tanghaling-tapat upang hindi ma sunburn. Kadalasan aniya, ang 1st at 2nd degree ng sunburn ay pwedeng magdulot ng impeksyon o sakit sa balat.

Kung hindi naman aniya maiwasan ay mas makakabuting maglagay ng sunblock bilang proteksyon sa direktang init ng araw.

DOH Secretary Francisco Duque III

Nagpaalala rin si Duque sa mga byahero lalo na ang mga may sakit sa puso at alta presyon na huwag kalimutang dalhin ang mga gamot para protekado ang kanilang kalusugan.

Dagdag pa nito, ugaliing uminom ng maraming tubig dahil makakatulong ito para mapababa ang tempreratura ng katawan. with reports from Bombo Badz Agtalao