Planong patayuan ng Bagong Urgent Care and Ambulatory Service (BUCAS) Center sa bayan ng Mapandan sa tulong ng lokal na pamahalaan katuwang ang Region 1 Medical Center, Department of Health – Center for Health Development Region 1 (DOH-CHD1).
Dito ay nagsagwa sila ng pagpupulong na siyang dinaluhan ng Regional Director ng DOH-CHD I na si Dr. Paula Paz Sydiongco at ng Chief ng Region 1 Medical Center na si Dr. Joseph Roland Mejia.
Kanilang binigyang diin dito ang epektibong pagpaplano at pagpapatupad ng BUCAS Center sa nasabing bayan.
Layunin nito na to na mapabilis ang ugnayan at mga serbisyong pangkalusugan ng mga residente at ng buong bayan o komunidad.
Ang nasabing proyekto ay inaasahang magsisilbing tugon sa lumalalang pangangailangan para sa mabilis na medikal na atensyon.
Makakatulong din ito na mabawasan ang pagdagsa ng mga pasyente sa mga pangunahing ospital at matugunan ang pangangailangan ng mga residente ng bayan.