DAGUPAN CITY — Muling nagpaalala ang Department of Health-Center for Health Development (DOH-CHD) Region 1 sa publiko hinggil sa masasamang epekto sa kalusugan ng paggamit ng e-cigarette at vape products.

Sa kanyang mensahe sa naganap na press conference, ibinahagi ni Dr. Justin Clyde Gubatan, Medical Officer III ng nasabing ahensya, ang iba’t ibang komplikasyon at sakit na maaaring makuha mula sa paggamit ng vape products.

Isa na nga rito ang E-cigarette or Vaping Use-Associated Lung Injury (EVALI), isang noble disease na nagdudulot ng seryosong pamamaga sa mga baga.

--Ads--

Aniya na bagamat hindi na bago ang pagve-vape, habang tumatagal ay mas nag-aadvance din aniya ang teknolohiya sa paggamit nito.

At dahil dito ay mas marami ang naeengganyo sa pagtangkilik ng vape at iba pang e-cigarette na siya namang naglalagay sa kanila sa mga panganib ng paggamit ng mga nasabing produkto.

Saad ni Gubatan na bagamat wala pang lumalabas na maraming pag-aaral sa mga sakit na dala ng paggamit ng vape, ang EVALI ay isa namang diagnosis ng exposure sa vape products.

Gayon na rin ang ilang mga pagsusuri na nagpapakita na maaaring magdulot ng pinsala sa baga ang mga ingredient na ginagamit sa paggawa ng vape products.