Ipinag-utos ng Department of Energy (DOE) sa power industry na magtipid at pangasiwaan nang maayos ang suplay ng langis para matiyak ang patuloy na suplay ng kuryente at maiwasan ang biglaang pagsipa ng presyo.
Ito ay kasunod ng deklarasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng state of national energy emergency.
Sa inilabas na abiso, nanawagan ang ahensiya para sa pagpapadala ng indigenous sources at coal-fired power plants upang mabawi ang pagtaas sa presyo sa Wholesale Electricity Spot Market ng hanggang P2 kada kilowatt-hour (kWh).
Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin, bilang net importer ng langis, coal at liquefied natural gas (LNG), kumikilos sila nang may pag-iingat para mapreserba ang pagdepende sa power system sa gitna ng lumalalang hamon sa pandaigdigang merkado ng langis.
Inatasan din ang mga kumpaniya na humanap ng mga alternatibong fuel para suportahan ang pagpapagaan ng gastos gaya ng mas maraming biodiesel na inihahalo sa oil-based plants at sa coal blending.
Hiniling din ng DOE sa generation firms na masusing bantayan ang mga imbentaryo ng langis at para matiyak na ang mga ito ay magtatagal hanggang 15 araw.
Inatasan din ang mga ito na i-ulat ang anumang aktwal o potensiyal na banta sa suplay ng langis para sa kaukulang assessment at posibleng interbensiyon.










