Patuloy na nananawagan ang isang grupo para doblehin ang sahod ng mga manggagawang pangkalusugan na siyang pangunahing nakikipaglaban sa pandemya
Ayon kay Robert Mendoza na siyang Presidente ng grupong Alliance of Health Workers na kung nadagdagan ang sahod ng hanay ng kapulisan ay dapat ding matutukan ang mga natatanggap sweldo ng mga healthworkers na siyang humaharap sa Covid virus.
Aniya kulang na kulang ang natatanggap na benepisyo ng kanilang hanay kung kaya’t marami sa kanila ang lumiban sa trabaho o di naman kaya’y pinili na lamang magtrabaho sa ibang bansa dahil sa mabababang kinikita sa Pilipinas.
Kung tutuusin umano ay may sapat na pondo ang gobyerno para mapataas ang kanilang sahod kung kaya’t hiling nito na maiprayoridad na ang kanilang hanay.
Hinihikayat din nito ang pamahalaan na sana’y hindi mabuwisan ang mga itinatakdang benepisyo sa kanila dahil nagreresulta lamang umano ito ng kabawasan sa ibinibigay sa kanila.
Hiling din nito na matutukan at maging prayoridad ito ng mga susunod na mamumuno ng bansa ang kanilang sektor
Sa ngayon ay kanila ng plinaplano ang paghahain ng promal na request at inaasahan na rin umano ang kanilang pagsasagawa ng malawakang pagkilos sa darating na Mayo a-6.