DAGUPAN CITY- Hindi napapaloob sa “Romeo and Juliet” exemption ang pag-iibigan ng dalawang indibidwal na doble ang edad ang kanilang agwat sa isa’t isa.

Ayon kay Atty. Joey Tamayo, Co-anchor ng programang Dura Lex Sed Lex, batay sa Republic Act 11648, itinaas na sa 15 ang edad na pasok sa statutory rape.

Nangangahulugang kinokonsiderang pinilit na makipagtalik ang biktima kahit pa man ay pumayag ito o nagbigay ng consent.

--Ads--

Giit ni Tamayo, maaaring kasuhan ng magulang ng biktima ang nakasiping nitong doble pa sa edad nito.

Patunay naman ng panggagahasa kung ang babaeng nakiapid ay nabuntis.

Ani Atty. Tamayo, pasok lamang sa “Romeo and Juliet” exemption kung ang kasintahan ng babaeng nasa murang edad ay hindi hihigit sa 3 taon ang tanda nito.

Hindi rin dapat ito nakikitaan ng pangboboso at walang pang-gagamit.

Ibinahagi ni Atty. Tamayo na marami ang ganitong uri ng kaso at ikinagulat ng mga kapulisan na sa taong 2025 ay umabot ng 29 ang mga kaso ng panggagahasa.