“Hindi makatarungan at ito ay wala sa batas.”

Yan ang pagbabahagi ni Liberty De Luna – President, Alliance of Concerned Transport Organization o (ACTO) hinggil sa mga natatanggap na reklamo ng LTFRB kaugnay sa doble-bayad na pamasahe sa mga matatabang pasahero.

Aniya na isang uri ito ng pambabastos sa mga pasahero dahil malinaw na bawal ang maningil ng sobra-sobra.

--Ads--

Kahit pa man mataba o mabigat ang isang mananakay ay pang isang kapasidad lang naman din ito.

Kaya’t nananawagan siya sa mga draybers at operators na dapat ay rumespeto sa mga pasahero at huwag maging bastos.

Dagdag pa niya na ang mga ganitong gawain ay may kabalikat na parusa at maaaring maging dahilan upang makatanggap ng summon mula sa tanggapan ng LTFRB.

Panawagan niya naman sa publiko na kapag nakaranas ng ganito ay magsumbong agad sa LTFRB o di naman ay maaari siyang tawagan o mag-iwan ng mensahe sakanya.

Ani De Luna na kailangang maging madisiplina at sumunod lamang sa umiiral na batas.