Dagupan City – Matagumpay na idinaos ang Division Kick Off Ceremony sa Brigada Eskwela 2024 sa lungsod ng Dagupan sa Federico N. Ceralde Integrated School.
Ayon kay Dr. Rowena Banzon CESO V, Schools Division Superintendent Dagupan City hudyat ito sa pagpapakita sa publiko bilang pagsisimula ng Brigada Eskwela 2024.
Kung saan isinagawa ang mga aktibidad gaya na lamang ng motorcade, programs magmula sa Bonuan Catacdang hanggang sa nasabing paaralan.
Binigyang diin naman nito na isa rin ang inisyatiba sa daan upang ma-engage ang mga mag-aaral, matuto at mamulat sa mga kamalayan.
Kaugnay nito, umaasa naman ang kanilang kagawaran sa pagbabago sa ilalim ng pamumuno ni bagong Department of Education Secretary Sonny Angara.
Ipinaabot naman niya ang kaniyang pasasalamat sa mga stakeholders, Dagupan City Mayor Belen Fernandez, Councilor Chritopher De Venecia, School Heads, at sa mga ahensya’t departamento na dumalo at nakiisa sa isinagawang kick off.
Samantala, nagpasalamat din si Ma’am Maricris P. Ferrer, School Principal IV ng Federico N. Ceralde Integrated School sa mga sumama at nakiisa sa aktibidadbilang sila ang naging host ng kick-off ngayong taon.
Kaugnay nito, inaasahan naman na breakeven lamang ang mga enrolees sa kanilang paaralan na nasa higit sa 2,500 studyante.