Dagupan City – Tinututukan ngayon ng Land Transportation Office (LTO) Dagupan City ang distribusyon ng mga unclaimed plates ng mga motorsiklo bilang paghahanda sa ipatutupad na “No Plate, No Travel” policy ng ahensya sa buwan ng Agosto.

Ayon kay Romel Dawaton ang hepe ng nasabing opisina na patuloy ang kanilang pagsisikap na maibigay na ang mga plaka sa mga may-ari upang mabawasan na ang
mga bilang nito sa kanilang tanggapan at maiwasan ang anumang abala sa mga motorista sa pagpapatupad ng nasabing polisiya.

Aniya na hindi lamang sa kanilang opisina isinasagawa ito kundi sa buong rehiyon at karatig na rehiyon bukod sa pagbibigay ng mga replacement plates.

--Ads--

Aniya bukas ang kanilang opisina tuwing sabado upang maserbisyuhan ang mga kliyente na hindi nakapunta sa araw ng lunes o Biyernes kung saan idadaan pa sa mga protocols of verification para maayos at maproseso sa kanilang sistema ang mga motorcycle plates lalo na kung hindi pa nakuha sa dealer ang plaka, wala pang actual plates o nagchange class ang motor at iba pa.

Samantala, Umabot na umano sa mahigit 2 libo ang naipamigay ng Rehiyon na plaka sa mga motorcycle owners sa pamamagitan ng mga district offices habang mayroon namang nasa mahigit 3 libong plaka ang natanggap ng kanilang opisina mula sa regional office na kanila ngayong ipinapamigay.

Layunin ng nasabing opisina na maresolba ang kawalan ng plaka ng mga may-ari ng motor lalo na sa mga taon ng 2014 hanggang 2022 ngunit ikokonsidera din nilang bigyan ang mga taon bago ang 2014.

Dahil dito ay hinihikayat nila ang mga may-ari ng motorsiklo na hindi pa nakakakuha ng kanilang mga plaka na makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan o kahit iba pang LTO Office malapit sa kanilang lugar.