Naging matagumpay ang pagsasagawa ng distribusyon ng unang quarter na Social Pension para sa mga senior citizens sa bayan ng Natividad kamakailan.

Dinaluhan ito ng mga senior citizens mula sa ibat-ibang barangay sa bayan na ginanap sa Natividad Multi-Purpose Gymnasium and Evacuation Center.

Pinangunahan naman ito ng lokal na pamahalaan at iba pang departmento na nakatutok sa nasabing social pension.

--Ads--

Ang Social Pension, na mula sa National Government, ay nagbibigay ng malaking tulong pinansiyal sa mga senior citizens.

Ipinapakita nito ang malasakit ng pamahalaan sa kapakanan ng mga nakatatanda sa bayan ng Natividad.