Malaking hamon hindi lang sa sektor ng edukasyon kundi para sa mga magulang at mga bata ang school year 2020-2021.

Ayon kay Liway Manantan-Yparraguirre, Federation President ng Parent Teachers Association o PTA sa Dagupan City National Highschool mula sa enrollment at pagkuha ng module ay malaki ang gampanin ng mga magulang.

Samantala, taliwas sa inaakala ng iba na walang hirap ngayon ang mga guro, hindi aniya ito madali sakanila dahil mas marami silang inihahanda ngayong pasukan.

--Ads--

Kung sa dating regular class o regular na pasok ay nasa paaralan ang mga bata at mga guro ang nagtuturo sa kanila ng face to face, ngayon ay magiging aktibo na ang partisipasyon ng mga magulang dahil titignan nila kung nagagawa ng mga bata ang modules at maisumite ito sa tamang oras.

Liway Manantan-Yparraguirre – PTA Federation president

Samantala, may panawagan naman si Yparraguirre sa mga mag aaral at mga magulang na dapat maibalik ng maayos ang mga modules.

Ang mga sagot ay ilalagay sa hiwalay na papel at kung sakaling nasira o nawala ang module ay kailangang palitan din ng printed na module.