DAGUPAN CITY- ‘Suspicious’ umano ang naging dismissal sa kaso ni Sen. Joel Villanueva sa ilalim ni dating Ombudsman Samuel Martires nang masangkot ito sa kasong pork barrel.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Prof. Roland Simbulan, Chairperson ng Center for People Empowerment in Governance, high profile case ito at hindi lamang si Villanueva ang nasangkot na mataas na opisyal subalit, sinekreto ang kasong ito.

Gayunpaman, hindi na aniya, nakakagulat ito dahil pinoprotektahan umano ng dating Ombudsman ang mga opisyal na malapit sa administrasyong nagtalaga sa kaniya, ang Administrasyong Duterte.

--Ads--

Aniya, dahilan kung bakit hindi nagsisilbing ‘transparency’ ang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) noon at hindi ito naisasapubliko.

Dapat umanong i-rebyu ni bagong Ombudsman Jesus Crispin Ombudsman ang mga naging dating desisyon ni Martires upang maibalik ang tiwala ng mga tao sa institusyon.

Hindi kase dapat ito hinahayaan upang hindi mabigyan ng impresyon ang taumbayan na may ‘impunity of corruption’ sa mga opisyal ng gobyerno dulot ng paulit-ulit at lumalalang pagnanakaw sa pera ng bayan.

Nais naman ni Prof. Simbulan na ipalaganap sa mga hinalal na opisyal na sundin ang sinumpaang tungkulin para tuluyan nang mawakasan ang pangungurakot.

At para tuluyang maibalik ang tiwala ng publiko, dapat matiyak na mapanagot ang mga opisyal na tunay na nasasangkot sa tiwaling gawain.