Dagupan City – Posible ang disbarment na inihain ni Larry Gadon sa Korte Suprema laban kay Vice President Sara Duterte ngunit dadaan muna ito sa suspensyon.

Ito ang naging kasagutan ni Atty. Michael henry Yusingco, Political Analyst sa naging panayam sa kaniya ng Bombo Radyo Dagupan matapos na hikayatin ni Gadon ang korte na i-disbar ang bise presidente matapos ang ilang pambabatikos nito laban kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ang pagbabanta sa kanila kasama na ang asawa nitong si First Lady Lisa Araneta-Marcos, at House Speaker Martin Romualdez.

Ayon kay Yusingco, hindi agad-agad ang maisasakatuparan ang inihain dahil may batas na sinusunod ang Korte Suprema kung saan ay dadaan muna ito sa suspensyon.

--Ads--

Sa kabila nito, nilinaw ni Yusingco na kung nagkataon na madisbarm nga ang bise, hindi naman ito nakakaapekto aniya sa kaniyang posisyon bilang ikalawang mataas na opisyal ng bansa dahil mawawalan lamang ito ang kredibilidad bilang abogado.

Samantala, sa ilalim ng saligang batas, pawang ang pangulo lamang ang may immunity from suit, kung kaya’t ang mga kasong nakatakdang ihain sa bise na plunder, grave threats, sedition, conspiracy to commit murder, at ang mga ipinataw sa kaniya ng PNP na assault in authority ay posible.

Muli namang ipinaliwanag nito na ang Ombudsman lamang ang may kakayahan na silipin at imbistigahan ang kayamanan ng bise at gumawa ng malalimang imbistigasyon hinggil sa kasong kaniyang haharapin.

Sa kabuuan, malinaw aniya na politically motivated ang nangyayari hindi lamang sa dalawang mataas na opisyal ng bansa, kundi maging sa iba pang opisyales ng pamahalaan.