DAGUPAN CITY- Isang napapanahon bagay ang paghahain ng disbarment complaint laban kay Former President Rodrigo Duterte lalo na ngayon at balak nitong maging abogado ng kanilang anak na si Vice President Sara Duterte para sa kaniyang impeachment case.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Lean Porquia, isang Petitioner, kasama ng grupo ang ilang mga pamilya ng mga bikima ng extra judicial killings (EJK) at pumunta sa Korte Suprema upang maghain ng disbarment case laban kay Former President Rodrigo Duterte.

Aniya, isa sa mga rason kung bakit tinuloy ng grupo ang paghahain ng reklamo ay ang paglitaw ng mga compelling evidences laban sa dating Pangulo.

--Ads--

May bilang na 17 ang bilang ng mga complainants na pumunta sa nasabing lugar upang maipahayag ang kanilang hinaing sa pamamagitan ng reklamo.

Dagdag niya, bukod sa mga biktima, ikononsidera ng mga grupo at indibidwal ang lahat ng mga ground na maaaring gamitin laban sa dating pangulo.