Dagupan City – Nakahanda na ang Agdao Disater Complex sa syudad ng San Carlos para sa mga residente kung sakaling kinakailangan nang lumikas bunsod ng kasalkukuyang pananalsa ng bagyong Kristine.
Ito’y matapos na umakyat ang signal no. 3 ang lalawigan ng Pangasinan, na nagresulta ng mga nararanasang mga malalakas na hangin at pag-ulan.
Tinatayang ansa 1000 katao naman ang kayang iaccomodate ng nasabing Disaster Complex, ngunit nilinaw nila na hindi lamang dito nalilimitahan sa 1 libo dahil nakatakta rin silang magbukas ng iba pang pasilidad kung kinakailangan.
--Ads--
Samantala, tiniyak naman ng kanilang opisina na 24 oras na nakahanda ang kanilang mga emergency team, ambulansya, iba pang kagamitan, at personnels para tutukan ang kalagayan ng syudad.