Papayagan na ang Dine-in Services sa mga kainan sa lungsod ng San Carlos sa bisa ng pag aamyenda sa naunang Administrative Order 012-2021 ng Ciudad at ipinarehas na sa Section 7.B ng Provincial Executive Order no. 0102 -2021 series of 2021.
Ayon sa lokal na pamahalaan ang in-door dine in at out door Dining ay pinapayagan sa siyudad hangga’t nasusunod ang venue capacity na iniimplementa sa lugar.
Sa INDOOR DINE IN o establisyementong nag-aalok ng mga pagkain sa loob ng closed area set-up kasama ang Aircon at non-aircon dining establishments ay pwede lamang mag papasok ng 20% sa kapasidad nito habang sa OUTDOOR DINING o mga establisyementong nag aalok ng pagkain sa Labas ng mismong kainan o Open Area Set-up ay 50%.
Patuloy naman ang panghihikayat ng lokal na pamahalaan na sumunod sa mga health protocols na iniimplementa sa ilalim ng GCQ upang mabawasan ang pagkalat ng covid19.