Nagsasagawa na ng imbestigasyon si DILG usec. Martin Dino kaugnay sa usapin ng Liga ng mga Barangay affairs dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay Dino, aalamin niya kung ano ang tunay na nangyare at kung nasunod ang tamang proseso na itinatadhana ng batas sa pagsasagawa ng special election para sa umanoy nabakanteng posisyon na Liga ng mga barangay president dito sa lalawigan.

Giit ng kalihim na may pananagutan sa batas ang mga nagsagawa ng special election kapag may nasiilip itong irrregularidad.

--Ads--

Paliwanag nito na ang tamang procedure sa pagsasagawa ng election ay dapat may representative mula sa DILG at mula sa Liga ng mga Barangay national.

DILG usec. Martin Dino

Samantala, kinumpirma ni Dino na nakapanumpa sa kanyang tanggapan si Liga ng mga barangay acting president Edgardo Fontelera ng bayan ng Dasol ainsunod sa board rosolution.

DILG usec. Martin Dino

Matatandaan na sinampahan ng kaso sa Ombudsman ni Liga ng mga barangay acting president Edgardo Fontelera ng bayan ng Dasol, Pangasinan sina National Liga President Eden Chua Pineda at dalawang liga ng mga barangay president na sina Richard Palisoc ng bayan ng Mangatarem at Mimi Sison ng bayan ng Aguilar.

Ito ay may kinalaman sa pagsasagawa ng special election kung saan hindi man lang isinama ang mga board of directors sa nasabing barangay affairs.

Giit ni Fontelera na siya pa rin ang acting liga president dahil siya ang inappoint ni dating Liga president Jose Peralta Jr. pero hindi naisagawa ang oath taking dahil sa pandemya.