Tiniyak ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño ang 101 percent na pagsuporta nila kay Vice President Leni Robredo bilang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño ibibigay nila ang boung suporta kay Robredo kayat inaabangan nila kung ano ang magiging hakbang nito lalo na sa mga drug pusher sa barangay, mga opisyal na sangkot sa droga lalo na ang mga tinaguriang “Narcopoliticians”.

Inaantay din nila kung ano ang magiging utos nitong gawin sa mga nahuhuling suspek na nanggahasa, pumatay, nagnakaw at iba pa na sangkot sa drugs.

--Ads--
Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño

Naniniwala naman si Diño na hindi lamang sila ang nag-aabang dito kundi maging ang sambayanang Pilipino.