Pinabulaanan ni Rogelio Quitola, cluster head ng DILG Pangasinan na may kautusan na ipapasara ang mga public market ngayong holiday season upang maiwasan ang pagtaas ng kaso ng covid 19.
Ayon kay Quitola, wala pang pag uusap ang provincial government at mga LGU hinggil sa nasabing usapin.
Mahigpit na ditrektiba aniya ng pamahalaan ay paigtingin pa ng mga LGUS ang monitoring at iimplementa ang mga basic health protocols para mapigilan ang pagtaas ng kaso ng covid 19.
--Ads--
Sa ngayon aniya ay kapan – pansin na marami ng tao na lumalabas na hindi nagsusuot ng face mask.
Git niya na kailangan paring mahigpit na sumunod sa mga health protocols katulad ng social distancing, pagsusuot ng face mask at paghuhugas ng kamay.