DAGUPAN CITY–Muling nagpaalala ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga Local Government Units (LGUs) na patuloy ang pagpapatupad ng road clearing operations sa boung bansa.

Binigyang diin ni DILG Pangasinan Provincial Director Randy Dela Rosa, sa exclusive interview ng Bombo Radyo Dagupan, na kahit tapos na ang 60 araw na ibinigay ng Pangulong Rodrigo Duterte ay magpapatuloy parin dapat ang programang ito upang matiyak na hindi muling makabalik ang mga iligal vendors dahil para sa lahat aniya ang gilid ng kalsada.

Ang pahayag ni Dela Rosa ay kasunod ng pag-amin nito na nakakatanggap sila ng report na matapos ang road clearing ay unti-unti ng bumabalik sa ibang lugar ang mga iligal vendors.

--Ads--

Samantala, inihayag naman ni Dela Rosa, na wala ito sa posisyon upang ianunsyo ang resulta ng isinagawang malawakang inspeksyon ng DILG kung naging makagumpay ito dahil tanging si DILG Sec. Eduardo Año ang mayroong kapangyarihan upang maghayag ng resulta dahil ito ay nasa kanila na ring head office.