Muling pinaalalahanan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga barangay officials na huwag ikampanya ang kanilang mga piling kandidato.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Agnes De Leon , Assistant Regional Director ng DILG Region I sinabi nito na posibleng masibak sa pwesto ang isang barangay official na sasama sa mga kandidato na mangangampanya saan man lugar, maging sa kanilang barangay na nasasakupan.

Aniya, hindi umano magdadalawang isip ang kanilang tanggapan na patawan ng karampatang parusa ang mga ito oras na mapapatunayang sangkot sila sa nasabing usapin.

--Ads--

Una ng nilinaw ng DILG na maari namang ilahad ng mga barangay officials ang kanilang saloobin hinggil sa mga election-related issues subalit mahigpit na pinagbabawalan ang mga ito na mangampanya para sa iisang kandidato lalo na at nalalapit na ang 2019 midterm election.